Thursday, December 8, 2016

                             

                                           Problemang kinakaharap ng ating mundo

                    Ang mundo natin ngayon ay hinaharap ang iba't-ibang problema, maraming problema kung tutuosin. Pagiging adik, iba't-ibang krimen, kidnap for ransom, pagnanakaw na hindi lamang ang pagnanakaw sa isang bahay kundi pati narin banko, malalaking establisyemento at pati narin ang mga maliliit na tindahan ay ninanakawan narin. Hindi rin alintana ang mga problemang kinakaharap ng karamihan natin at isa na rito ay ang tinatawag na primarital sex na ngayo'y karaniwang nagagawa ng mga kabataan. Ako'y isa sa mga kabataan na may kaalaman sa problemang ito na masasabi kong hindi maganda at hindi makakatulong upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.

                      Pre-maretal sex ay nagagawa ng dalawang magkaibang kasarian na menor de edad o hindi pa kasal. Alam natin na ang pre-marital sex ang pinakamataas ang antas sa krisis na kasalukuyang hinaharap ng ating mundo. At ang karamihan sa mga kabataan ay hindi alam ang magiging resulta ng kanilang ginagawana na maaring magbigay ng problema na hindi dapat poproblemahin bilang kabataan. Na walang kaalam- alam sa pagharap ng totong laban sa mundo. Na ang alam lamang ay ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng isang kabataan. Lumalabas kasama ang mga barkada na nagdudulot ng masamang impluwensya. Pero sa pagkakataong ito, hahayaan nalang ba itong mangyari sa mga kabataan na hindi man lang iniisip ang kung ano ang maging resulta? Na iniisip lang ang "once in a lifetime pleasure?" Kailangan nating ipaalala na kailangan nating isipin ang ating kinabukasan at lahat ng ating ginagawa na alam nating magreresulta ng masama o mabuti. Lagi nating isipin na sa ating mga galaw ay may kapalit.